Ang paham na Muslim, si Shaykh Salih Al-Fawzan ay nagsabi: Ang lahat ng papuri ay nauukol sa Allah at nawa’y ang kapayapaan at pagpapala ay mapa-sa-ating Propeta Muhammad ﷺ, kanyang pamilya at mga kasamahan.

Ang Pangangailangan sa Kaligtasan ng Publiko

Walang duda na ang pagpapalaganap ng kaligtasan (sa komunidad) ay isang pangangailangan, napakahalagang nilalayon at higit pa itong kailangan ng sangkatauhan kaysa sa pagkain at inumin. Dahil dito, inunang binigyang halaga ni Propeta Ibrahim (عليه السلام) ang paghingi ng kaligtasan higit pa sa pagkain sa kanyang panalangin, “O Panginoon, gawin Mo po itong isang mapayapang lungsod at bigyan ang mga maninirahan nito ng mga prutas (ng kabuhayan).” (2:126). Ito ay sa dahilang ang mga tao ay hindi masiyahan sa pagkain at inumin sa harap ng takot. Ang mga ruta kung saan inihahatid ang pangkabuhayan mula sa isang lugar patungo sa isang lugar ay nahihinto dahil sa takot. Dahil dito, nagpataw ang Allah ng pinakamahigpit na parusa (sa pamamagitan ng autoridad) para sa yaong (mga terorista at kriminal) na hinaharang ang mga ruta kung saan nakasalalay ang kabuhayan ng mga tao) sa pagsasabing:“Tunay, ang parusa sa yaong nakikipagdigma laban sa Allah at sa Kanyang Sugo at gumagawa ng kasamaan sa kalupaan ay (walang iba kundi) ang patayin sila o ipako o di kaya’y puputulin ang kanilang mga kamay at paa sa magkabilang panig o ipatapon sila mula sa lupain, iyan ay para sa kanila, isang panghihiya sa mundong ito; at mapapa-sa-kanila sa Kabilang-Buhay ang matinding kaparusahan.” (5:33)

Ang Limang Pangangailangan na Pinapangalagaan ng Islam

Ang Islam ay dumating upang ingatan ang mga limang pangangailangan at sila ay: relihiyon, buhay, kaisipan, dangal at ari-arian. Nagtakda ito ng masidhing kaparusahan para sa sinumang lalabag sa mga pangangailangang ito, maging ito ay patungkol sa mga Muslim o sa yaong mga nasa ilalim ng kasunduan pati ng mga Muslim. Ang Propeta (صل الله عليه و سلم) ay nagsabi: “Sinuman ang pumatay sa isang (di-Muslim) na nasa ilalim ng kasunduan ay hindi makakalanghap ng bango ng Paraiso.” At sinabi ng Allah: “At kapag isa mula sa mga Mushrikin ay humingi ng iyong proteksyon, kung gayon bigyan siya ng proteksyon upang marinig niya ang mga salita ng Allah. Pagkatapos ay ihatid siya sa ligtas niyang lugar.” (9:6)

Hustisya Kahit pa sa Mapandayang Kalaban

Kapag ang mga Muslim ay nakakita ng mga palatandaan ng pandaraya mula sa yaong may napag-usapang kasunduan (ng pangkapayapaan) at may dahilan upang matakot, hindi pa rin sila pinahihintulutan na makipaglaban sa kanila hanggang sa mapagsabihan na nila sila hinggil sa pagwawakas ng kasunduan sa pagitan nila. At hindi rin sila maaaring umatake ng walang bukas na abiso. Ang Allah ay nagsabi: “At kung may dahilan ka na mangamba mula sa mga tao ng pandaraya, sa gayon itapong pabalik sa kanila (ang kanilang kasunduan) upang pantay (na malaman ng bawat panig na wala ng kasunduan sa pagitan mo at sila). Tunay na hindi nagugustuhan ng Allah ang mga traydor.” (8:58)

Proteksyon ng Dugo, Ari-arian at Dangal ng mga  Di-Muslim

Yaong nasa ilalim ng kasunduan ay tatlong klase: a) ang isang tao na pumasok sa bansa ng mga Muslim na may garantiya ng kaligtasan upang maisagawa  ang kanyang ilang mga tungkulin at ligtas na makauwing muli sa kanyang bansa matapos niya itong gawin. b) Ang taong nasa ilalim ng kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng mga Muslim at di-Muslim). Ang kagaya ng taong ito ay ginagarantiyahan ng kaligtasan hanggang sa ang kasunduan ay magwakas sa pagitan ng dalawang partido. Hindi pinahihintulutan ang sunuman na samain siya katulad din ng hindi pagpapahintulot sa kanya na samain ang sinuman sa mga Muslim. k) Ang taong pumasok sa ilalim ng pamamahala ng mga Muslim sa pamamagitan ng pagbabayad ng (makatarungang) buwis sa kanila (na siyang magpapaiwas sa kanya mula sa pangmilitar na katungkulan at mag-ubliga sa kanila na magbigay ng ganap na proteksyon para sa kanyang karapatan na isagawa ang kanyang relihiyon ng ligtas at pangalagaan ang kanyang dugo, ari-arian at dangal).

Ang Paglabag sa Kaligtasan ng Di-Muslim ay Katrayduran

Ang Islam ay gumagarantiya ng kaligtasan para sa dugo, ari-arian at dangal nitong lahat ng kategorya ng mga di-Muslim. Sinuman sa mga Muslim ang gumawa ng dahas laban sa kanila ay nakagawa na ng katrayduran sa Islam at nararapat na patawan ng mapagbabalang kaparusahan. Ang pagtalima sa hustisya ay ubligado sa mga Muslim at di-Muslim, kahit pa sila ay hindi napabilang sa yaong mga nasa ilalim ng kasunduan, walang garantiya ng kaligtasan o hindi naninirahan sa ilalim ng kanilang pamamahala. Ang Allah ay nagsabi: “At huwag (na huwag) ninyong hayaan na ang galit ng mga tao na pumigil sa inyo mula sa Banal na Masjid ay magdadala sa inyo upang sumuway.” (5:2) At sinabi rin Niya: “O kayong mga Mananampalataya! Maging matatag na mga saksi para sa Allah sa hustisya, at huwag (na huwag) ninyong hayaan na ang galit ng mga tao (na hindi makatarungan sa inyo) ay magpapaiwas sa inyo mula sa pagiging makatarungan sa kanila. Maging makatarungan kayo. Iyan ay higit na malapit sa pagka-takot sa Allah.” (5:8)

Sa Yaong mga Gumagawa ng Terorismo sa Lipunan

Hinggil sa yaong mga lumalabag sa seguridad (ng lipunan), sila ay mga Khawarij (mga ekstrimistang taksil na salot sa lipunan) mga magnanakaw sa daang-bayan o mga tulisan. Ang mahigpit na parusa ay ipinapataw sa bawat isa sa mga kategoryang ito kung saan sila at (yaong mga nagbabalak ng kaparehong krimen) ay hinuhuli kung saan ang mga Muslim at di-Muslim na nasa ilalim ng kasunduan, yaong may garantiya ng kaligtasan o ang mga mamamayan ay maprotektahan mula sa kasamaan ng mga taong ito. Yaong mga nagsasagawa ng pambobomba sa kahit anong lugar, winawasak ang mga buhay na iniingatan at ari-arian na binibigyang halaga, maging pag-aari man ito ng Muslim o di-Muslim, pinagiging balo ang mga kababaihan at ginagawang ulila ang mga bata. Sila na ang tinutukoy ng Allah sa sinabi Niyang:“At sa mga tao ay siyang nagpapamangha sa iyo ng kanyang salita sa buhay (nitong) mundo, at sumusumpa siya sa Allah sa kung ano ang nilalaman ng kanyang puso, ngunit siya ang pinakamabagsik sa mga kalaban. At kapag siya ay tumalikod na. nagsusumikap siya sa mundo upang gumawa ng kapinsalaan sa loob nito at sinisira ang mga pananim at mga alagang hayop. At ang Allah ay hindi nagmamahal sa kasamaan. At kapag sinabi sa kanya (bilang payo), ‘Matakot ka sa Allah’, pagmamalaki (pa) sa kasalanan ang magtatangay sa kanya. Kaya’t sapat na para sa kanya ang Impiyerno, at napakasama itong hantungan.” (2:204-206)

Ang Kataksilan at Kasamaan ay Hindi Jihad

At nakapagtataka na yaong mga sumusuway at tumalikod sa hatol ng Islam ay tinatatakan nila ang gawain nilang ito bilang “Jihad sa daan ni Allah”. Ito ay kabilang sa mga malaking kasinungalingan laban sa Allah, sapagkat tinawag ito ng Allah na kasamaan (fasad) at hindi Niya ito ginawang “Jihad”. Gano’n pa man, ay huwag tayong magtaka na ang (ideolohiya) na mga ninuno ng mga taong ito ay mula sa Khawarij na tumatakwil sa mga mga kasamahan (Sahaba) ng Propeta (ﷺ) na siya ring pumatay kina Uthman at Ali (رضي الله عنهما) na mula sa mga tugmang-napatnubayang pinuno ng mga Muslim (caliphs) at kabilang din sila sa mga napangakuan ng Paraiso. Pinatay nila silang dalawa at buong kasinungalingan nilang tinawag ang pagpaslang na ito bilang “Jihad sa daan ng Allah” Sa halip, Ito ay Jihad sa daan ni Satanas. Ang Allah ay nagsabi: “Yaong mga naniniwala ay lumalaban sa daan ng Allah, at yaong mga hindi naniniwala ay lumalaban sa daan ng Taghut (Satanas).” (4:76)

Ang Islam ay Inosente sa mga Gawain ng Terorista: Ang Propeta ng Islam ay Nag-utos sa Pagpaslang sa Kanila (sa pamamagitan ng autoridad)

Ang Islam ay hindi maaaring gawing may pananagutan para sa mga gawain nilang ito kagaya ng sinasabi ng mga kalaban ng Islam mula sa mga di-mananampalataya at mapagkunwa (mga ipokrito) na nagsasabi na ang relihiyong Islam ay relihiyon ng terorismo. Ginagamit nila ang mga gawain ng mga kriminal na ito bilang patunay. Pero ang mga gawain nilang ito ay hindi mula sa Islam at hindi ito pinapatotoo ng Islam maging ng ibang relihiyon. Ito ay pangtulisan na ideolohiya at ang Propeta (ﷺ) ay humihikayat na paslangin ang mga tagasulong nito, sa pagsasabing: “Saan man ninyo sila matagpuan, patayin ninyo sila (Khawarij).” At nangako rin siya ng napakalaking gantimpala para sa sinuman na makakapatay sa kanila. Sila ay nilalabanan sa pamamagitan ng mga pinuno ng mga Muslim kagaya ng mga kasamahan ng Propeta na nilabanan nila sila (noon) sa ilalim ng pamumuno ni Ali bin Abi Talib (رضي الله عنه) Natutunan ng Terorista ang Kanilang Ideolohiya mula sa mga taong may pampamahalaang kaisipan at mga radikal, hindi mula sa Institusyon ng mga Muslim. Ilan sa mga ipokrito at mga taong walang alam ay nagsasabi na ang mga paaralan ng mga Muslim ay itinuro sa kanila ang ideolohiyang ito at ang kurikulum ng pag-aaral (sa paaralan ng mga Muslim) ay kinabibilangan ng baluktot na ideolohiyang ito. At hinihiling nila na itong mga kurikulum ng pag-aaral ay baguhin. Sinasabi natin (bilang tugon sa kanila): Katotohanan, ang mga tagataguyod ng ideolohiyang (terorismo) na ito ay hindi nakatapos mula sa mga paaralang ito dahil mismo sila ay nagdeklara na ang mag-aral daw sa mismong mga eskwelahang ito ay bawal (o haram) sapagkat itinuturing nila na ang lahat ng Lipunan ng mga Muslim ay nilisan na ang Islam at naging murtad na (o tumalikod na sa relihiyong Islam).

Sinisiraan ng mga Terorista ang mga Iskolar ng Islam Upang Madali Nilang Linlangin ang mga Kabataang Walang Alam

Minamaliit nila ang mga Iskolar ng Islam, na sila raw ay walang nalalaman at inilalarawan sila bilang mga “bayarang manggagawa ng mga namumuno” Natuto sila mula sa ideolohiya ng mga baluktot na kaisipan at mula sa mga bata sa edad at hangal ang pag-iisip na kagaya nila – kagaya rin ng  hinalinhan nilang mga ninuno na nagdeklara sa mga kasamahan ng Propeta(ﷺ) na mga mangmang at sinabing sila ay mga di-mananampalataya. (paalala: kung nakaya nila itong gawin sa mga Sahaba, sa atin pa kaya hindi nila kayang gawin?)

Ang Tungkulin ng mga Iskolar na Muslim at Magulang

Ang inaashan natin sa ngayon ay aasikasuhin ng husto ng mga magulang ang kanilang mga anak, huwag nila silang hayaang mapunta sa mga nagtataguyod (kagaya ng ISIS at kauri nito) ng mapaminsalang kaisipan na magdadala sa kanila tungo sa ligaw na ideolohiya at baluktot na pamamaraan. Kailangang huwag nila silang hayaang dumalo sa mga kahinahinalang mga pagtitipon, pumunta sa mga hindi alam na paglalakbay at pagkakamping na pagpahi-pahinga na magsisilbi lamang pastulan para sa yaong mga nais mangligaw ng iba at ginagawang pain para sa maninilang hayop (sa gubat). Dapat nila silang hindi payagang maglakbay palabas ng ibang bansa habang sila ay bata pa sa edad. At nasa sa mga paham din sa Islam na magsimula sa pagbibigay ng tamang direksyon at magturo ng mga mapapanaligang katuruan ng pananampalatayang Islam sa mga paaralan at moske (masjid) at sa pamamagitan ng media upang hindi mabigyan ng anumang pagkakataon ang mga naliligaw ng landas, na lumalabas ng kadiliman sa tuwing ang taga-wasto ay pabaya. Magkaloob nawa Allah ng tagumpay sa lahat sa pagkamit ng kapaki-pakinabang na kaalaman at pagsasagawa ng mga mabubuting gawain, at nawa’y ang kapayapaan at pagpapala ay mapa-sa-ating Propeta Muhammad, kanyang pamilya at kasamahan. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *